(Hindi po garantisadong gagawin ng lahat ng grade 11 ang mga aktibidad na ito. Depende sa mga guro, from STEM, Arellano University-Andres Bonifacio to be exact.)
- Hindi ko din po maaaring ipost ang ibang gawain sapagkat ang nilalaman ng ibang gawain ay very confidential po. Salamat po :))
GAWAIN 1
Kahulugan ng Komunikasyon
- AKRONIM - Bigyan ng kahulugan ang salitang KOMUNIKASYON sa pangungusap na nagsisimula sa bawat titik (Kailangang magkakaugnay ang nilalaman ng bawat titik o maaaring magkakadugtong ito). Pagkatpos sa bandang ibaba sumulat ng isang talata para sa paliwanag kung gaano nga ba kaepektibo ang komunikasyon sa larangan STEM/ mga propesyong may kaugnayan sa STEM STRAND:
Gawing makabuluhan ang paggawa.
GAWAIN 2
Mga Potensyal na Sagabal sa Mabisang KOMUNIKASYON
- Base sa sariling karanasan, magtala 10 mga Potensyal na Sagabal sa inyong pakikipagkomunikasyon.
Isulat sa paraang pangungusap na may paliwanag. Gawing makabuluhan ang paraan ng pagsagot.
GAWAIN 5
Katangian ng Wika
- Gumawa ng sariling hashtag na may kaugnayan sa wika. Maaaring ito'y naiuugnay sa iba't ibang larangan o aspeto. Lapatan ng larawan:
GAWAIN 6
Batas PangWika "Batas mo! Tupad Mo!"
- Matapos mapag-aralan ang iba't ibang batas ppangwika hinggil sa pagkakaroon ng WIKANG PAMBANSA. Sumulat ng isang sariling batas pangwika na iyong ipapanukala upang higit na mapanatili at mapaunlad ang ating wika.
GAWAIN 7
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA (TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO)
- Ipakita ang ebolusyon ng Wikang Pambansa gamit ang VENN DIAGRAM
GAWAIN 8
Timeline (Kasaysayan ng Wikang Pambansa)
Comments