Ipaliwanag ang Pagbabasa sa isang makabuluhang depenisyon:
Ang Pagbabasa ay kayamanan sa pagpapalawak ng kaisipan:
Napapansin mo ba na walang araw na lumipas na hindi tayo nagtatanong? Maging sa ating paniginip, pag-iisip, naririnig at nakikita?
Ganito kauhaw ang ating utak sa kaalaman sapagkat ito ang kanyang pangunahing pagkain at silbi.
Masasabi natin na mautak ang isang tao kapag madami itong alam,
saan pa ba tayo makakakuha ng kaalaman kung hindi sa isang libro?
o kahit man sa ilang porma ng teksto.
Simula bata pa ako, lagi na sinasabi ng mga nakakatanda sa akin
ay kapag may tanong ako, matutong magbasa.
"Huwag sanayin ang paghahanap ng sagot sa madaling paraan sapagkat ang kakayahan sa pagbabasa ay isa sa mga biyaya ng Panginoon
upang tayo'y higit na matuto at sa paglaki ng ating pagkatao".
Ito'y mabisang makakatulong sa pagpapalawak ng kaisipan
dahil hindi lamang sa mga bagong ideya na inilalahad sa teksto,
kundi maging sa pagsukat ng ating kakayahan sa pananalita, pagbigkas at ang pagkakaroon ng tamang paraan ng paggamit at sa pagbaybay ng mga salita.
Samakatuwid mapapaunlad ng pagbabasa ang ating kritikal thinking skills
at pati na din ang ating bokabularyo patungo sa pagpapalalim ng kaisipan ng isang indibidwal.
Ang Pagbabasa ay kayamanan sa pagpapalalim ng ating imahinasyon.
Bukod sa kahilingan na matuto,
ang isang tao ay nagbabasa din upang malibangan o matuklasan ang kanilang interes.
Bakit nga ba kailangan pa magbasa kung mayroon naman napapanood sa telebisyon o sa internet upang malibangan?
Alam mo ba na ang pagbabasa ay tulad ng isang susi sa pagbubukas ng malikhaing at imahinatibong parte ng ating utak?
Ang pagbabasa ay mas nakakaaliw kaysa sa panonood sapagkat sarili nating imahinasyon ang ating pinapagana.
Hindi tulad ng panonood lamang na kung saan hindi man lang natin
maipahayag at tuklasin ang ating kaisipan at saloobin sa isang mahusay at malikhain na paraan,
tayo ang nagiging direktor, aktor, cinematographer, at prodyuser sa mga kwento na ating binabasa.
Ito ay nagdudulot na aktibong pag-iisip, malayang inteprasyon at kawili-wili na karanasan sa paglilibang.
Natututo tayong mas pahalagahan ang kakayahan ng ating utak sa pagbabasa
( lalo na kapag ang binabasa ay walang mga larawan at puro mga salita lamang ) sapagkat dito natin napapagtanto na walang limitasyon ang ating imahinasyon!
Kommentare